Monday, November 25, 2024

Matataas na kalibre ng baril naharang sa Libungan, Cotabato

Cotabato – Kulungan ang bagsak ng isang 39 anyos na driver matapos maharang at makuhanan ito ng mga matataas na uri ng armas sa ikinasang joint checkpoint operation sa Brgy. Grebona, Libungan, Cotabato nito lamang Huwebes, Mayo 4, 2023.

Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang naharang at dinakip na suspek na si alyas “Norudin”, residente ng Gonzalo Javier St., Rosary Heights 7, Cotabato City.

Ayon sa Libungan Municipal Police Station, minamaneho ng suspek ang isang sasakyan na Toyota VIOS na may plakang LXB 742 at habang isinasailalim ito sa pagsusuri ay tumambad ang mga iba’t ibang uri ng kalibre ng baril sa mga tauhan ng Libungan PNP, Regional Intelligence Division 12 Tracker Team Echo, Cotabato Provincial Police Office-Provincial Intelligence Unit, katuwang ang 34th Infantry Battalion, 6th Infantry Division ng Philippine Army.

Ayon kay Police Major John Minidel Calinga, Hepe ng Libungan MPS, ang nasabing mga armas ay kinabibilangan ng limang COLT Cal. 5.56mm rifle; limang ELISCO Cal. 5.56mm rifle; walong COLT Airsoft gun; dalawang BCM Airsoft guns; limang piraso ng Cal 5.56mm rifle barrel; limang Cal 5.56mm rifle Gasport; apat na Cal 5.56mm rifle front sight; limang airsoft gun front sight with gasport; at iba pang mga accessory ng airsoft gun.

Mahaharap naman ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Patuloy ang pagsusumikap ng ating mga kapulisan at kasundaluhan na mabantayan ang Region 12 sa anumang banta ng krimen upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles