Negros Oriental – Napasakamay na ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person ng Negros Oriental sa kasong Child Pornography matapos ang isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest sa Brgy. Poblacion, Sibulan, Negros Oriental noong Martes, Mayo 2, 2023
Kinilala ni Police Colonel Alex Recinto, Acting Provincial Director ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) ang akusado na si “Jerry”, 21, residente ng Brgy. San Jose, Siaton ng kaparehong probinsya.
Ayon kay PCol Recinto, pasado alas-3 ng hapon ng arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence at Drug Enforcement Unit ng NOPPO at Sibulan Municipal Police Station ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest.
Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa Sec.4 (C)(2) ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 in Relation to Sec.4(A), 3(B) at (C)(5) ng RA 9775 o Anti‐Child Pornography Act of 2009.
Patuloy naman ang buong hanay ng NOPPO sa pagpapahusay at pagpapaigting ng kanilang mga hakbangin upang masiguro ang estado ng kapayapaan at kaayusan ng probinsya.