Leyte – Timbog ang dalawang drug suspect matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Isabel Municipal Police Station at PDEA 8 sa Brgy. Libertad, Isabel, Leyte nito lamang Miyerkules, Mayo 3, 2023.
Kinilala ni Police Major Florando S Relente, Acting Chief of Police ng Isabel MPS, ang mga nahuling drug suspek na sina alyas “Ale”, 35, residente ng Brgy. Camp Dawnes, Ormoc City at alyas “Randy”, 29 at residente ng Brgy. Libertad, Isabel, Leyte.
Ayon kay PMaj Relente, nakabili ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu at narekober naman sa mga suspek ang tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 10 gramo at nagkakahalaga ng Php68,000 at iba pang drug pharaphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Isabel PNP sa kampanya kontra ilegal na droga upang mabawasan at maiwasan ang pagkalat nito sa syudad at mapanatili ang kaayusan at maunlad na pamayanan.