Eastern Samar – Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Buenavista, Quinapondan, Eastern Samar nito lamang Mayo 2, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rolando Dellezo, Force Commander ng 2nd Eastern Samar PMFC, ang sumuko na si alyas “Onie”, 38 at isang NPSR listed.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over nito ng isang 9mm pistol (Armscor), isang magazine assembly na may pitong 9mm live ammunitions.
Ang pagsuko ay naging matagumpay sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, at 805th Maneuver Company, RMFB8.
Samantala, patuloy na umaapela ang kapulisan sa mga aktibong miyembro at tagasuporta ng mga teroristang grupo na bumalik sa saklaw ng batas at gamitin ang mga programang iniaalok ng gobyerno gaya ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).