Pangasinan – Timbog ang isang Top 1 Most Wanted Person na may kasong Rape sa operasyon ng mga operatiba ng Sta Barbara PNP nito lamang ika-02 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jun Wacnag, Officer-In-Charge ng Sta Barbara PNP, ang suspek na si Genzl Montemayor Paragas, 19, residente ng Brgy. Maningding, Sta Barbara, Pangasinan.
Ayon pa kay PLtcol Vacnag, 8:50 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Brgy. Maningding, Sta Barbara, Pangasinan at nahaharap sa kasong rape na walang rekomendadong piyansa
Ang operasyon ng Sta Barbara PNP ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Sta Barbara Municipal Police Station
Panulat ni Pat Dennis P Carinal