Benguet – Tinatayang Php5,052,000 halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang Minor Internal Security Operation (ISO), Oplan Cricket sa Sitio Lingey, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Mayo 3, 2023.
Naging matagumpay ang operasyon ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Captain Romelyn Dagdagan at ng Kibungan Municipal Police Station.
Ayon sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga operatiba ay tumambad ang humigit kumulang 40 kilograms ng mga pinapatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang halaga na Php4,800,000 sa isang improvised na bamboo drier.
Habang nadiskubre rin ng mga operatiba ang isang plantation site na may tanim na humigit kumulang 1,200 na piraso Fully Grown Marijuana Plants sa isang communal forest na may Standard Drug Price na Php240,000 sa land area na may kabuuang sukat na 150 sqm, kasunod ng pagkakadiskubre nila ng marijuana seed bed na may humigit kumulang 300 na piraso ng marijuana seedlings sa land area na 6 sqm na may SDP na Php12,000.
Kaagad namang binunot at sinunog ng mga awtoridad ang mga nadiskubreng marijuana sa mismong lugar at patuloy ang pagtugis sa mga taong nasa likod nito.