Davao City – Arestado ang dalawang drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Wilfredo Aquino, Davao City nito lamang Mayo 1, 2023.
Kinilala ni Police Majot Antonio Luy, Chief of Police ng Bajada Police Station, ang suspek na si alyas “Nik”, 25, residente ng Matina Aplaya, Davao City na tinaguriang Top 5 High Value Individual (Regional Level) at alyas “Dave”, 29, residente ng Tibungco, Davao City.
Naaresto ang dalawang suspek matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng ilegal na droga sa nagpanggap na poseur buyer na tauhan ng Bajada PNP.
Nakuha mula sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang Php18,000 at ang marked money na ginamit sa operasyon.
Ang dalawang naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kampanya laban sa ilegal na droga ng Police Regional Office 11 ay lalong paiigtingin upang maging drug-free ang Rehiyon 11 sa pamumuno ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director ng Police Regional Office 11.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/RPCADU11