San Juan City — Ginunita ng San Juan City Police Station ang selebrayon ng Labor Day sa pamamagitan ng Community Outreach Program sa Barangay Corazon de Jesus, Basketball Covered Court, San Juan City nito lamang Lunes, Mayo 1, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Francis Allan Reglos, Acting Chief of Police kasama ang SCADS personnel at Sub-Station 4, mga opisyales ng Barangay, Advocacy Support Groups at iba pang tauhan ng San Juan City Police Station.
Nagbigay ng iba’t ibang pangunahing serbisyo ang pulisya tulad ng pamamahagi ng mga food packs, lutong pagkain (Sopas at Tinapay), mainit na kape at tsokolate, bitamina/gamot, medical Check-up (pagsubaybay sa presyon ng dugo), libreng Anti-Rabies Vaccine, libreng haircut, at pamamahagi ng mga flyer tungkol sa Crime Prevention TIPS.
Ang naturang programa ay nagkaroon ng 150 benepisyaryo kabilang ang sektor ng mga laborers, Senior citizens, PWDs, at mga bata.
Ang isa pang bahagi ng programa ay ang lecture patungkol sa Community Awareness on Illegal Drugs, Violence against Women and their Children (R.A. 9262)/Anti-Child Abuse Law (R.A. 7610), Health Awareness on COVID- 19, ELCAC, at Rabies awareness.
Ito ay naglalayon na palakasin ang mga ugnayan sa komunidad, at itaguyod ang civic engagement sa pagbibigay ng mas mahusay na pampublikong serbisyo sa komunidad.
Source: San Juan CPS
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos