Zamboanga City – Arestado ang isang lalaki sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Abril 29, 2023.
Kinilala ni Police Major Wilfredo Palamos Jr, Acting Station Commander ng Zamboanga City Police Station 9, ang suspek na si alyas “Kaing”, 37, may asawa at residente ng Purok 5B Vanex, Brgy. Recodo, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Palamos Jr, naaresto ang suspek sa Purok 4 Darussalam, Brgy. Recodo, Zamboanga City sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 9 at Regional Mobile Force Battalion 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9