Isang concerned citizen ang naglakas ng loob na isuko sa pamunuan ng PNP-CIDG ang 11 na matataas na kalibre ng baril sa CIDG RFU 8, Port Area, Tacloban City noong ika-23 ng Disyembre 2021.
Ayun sa nasabing concerned citizen, ang mga naturang baril ay ipinagkatiwala ng isang tao na hindi pa niya isiniwalat ang pangalan sa kadahilanang pangseguridad.
Ang mga baril na isinuko ay isang (1) unit na automatic submachine pistol caliber 9mm Luger na may dalawang (2) magazine na assembly na may serial number 1254998, isang (1) unit na automatic submachine pistol caliber 9mm Luger na may dalawang (2) magazine na assembly na may serial number 842574, isang (1) unit na automatic submachine pistol caliber 9mm Luger na walang serial at isang (1) magazine assembly, isang (1) caliber 45 CASPIAN pistol na walang hand grip at may serial number na 142254, isang (1) kalibre 45 ARMSCOR pistol na walang serial, isang (1) kalibre 45 ARMSCOR pistol na walang serial number at may magazine assembly, Isang (1) Colt AR15 caliber 5.56mm na walang hand guard at may serial number na 101198, isang (1) kalibre 30 rifle M2 Carbine na may serial number 6868086, isang (1) unit M16A1 Elisco rifle na may serial number na RP1760193, isang (1) kalibre 5.56mm Colt AR15 na may serial number 834082 at isang (1) unit na GALIL SAR caliber 5.56mm na may defaced serial number.
Isasailalim sa Standard Operating Procedure (SOP) ang mga isinukong baril para sa pag-iingat ng ebidensya. Ang mga ito ay isusumite sa PNP Crime Laboratory PRO 8 para sa cross-matching at macro-etching procedures upang matukoy kung ang mga baril na ito ay maaaring ginamit sa mga hindi nalutas na krimen sa Rehiyon 8 tulad ng mga insidente ng pamamaril.
Ang PNP ay walang humpay ang pagpapatupad at patuloy na kampanya laban sa mga loose firearms. Ito ay kampanya ni PNP Chief, PGen Dionardo B Carlos laban sa paglaganap ng mga iligal na baril upang matiyak ang isang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng National at Local Election sa Mayo 2022.
######
Panulat ni: Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero
peace for everybody! mabuhay ang PNP!
Good job Team PNP
Salamat sa serbisyong Totoo