South Cotabato – Tuluyan nang nagbalik-loob sa gobyerno ang limang miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa South Cotabato 2nd Provincial Mobile Force Company Headquarters sa Brgy Centrala, Surallah, South Cotabato noong ika-29 ng Abril 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rey Egos, Force Commander ng South Cotabato 2nd Provincial Mobile Force Company, ang limang sumuko na kinilalang sina alyas “Toto”, “Jacky”, “Borjack”, “Simon”, at si alyas “Jackpot” ay dating miyembro ng komunistang grupo mula sa Guerilla Front ALIP, Far South Mindanao Region (FSMR).
Ang kanilang mahirap na buhay sa bundok at ang kaibahan sa magandang buhay na dinaranas ng mga kasamahan nilang nauna ng sumuko at nagpasya na magbalik-loob sa gobyerno ang nag-udyok sa kanila upang sumuko.
At dahil sa mas pinaigting na kampanya laban sa terorismo at insurhensiya ng mga tauhan ng 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company, South Cotabato Provincial Intelligence Unit, Surallah Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 12 at sa pakikipagtulungan ng mga Lokal na Pamahalaan, ay mas lalong napadali ang pagsuko ng limang Former Rebel.
Samantala, umaapela naman si Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Ofice 12, sa mga aktibong miyembro at tagasuporta ng mga teroristang grupo na bumalik sa saklaw ng batas at gamitin ang mga programang iniaalok ng gobyerno gaya ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin/RPCADU12