Isabela – Mainit ang naging pagsalubong ng mga Santiago Cops kay Police Major General Valeriano Templo De Leon, Director ng Information and Communication Technology Management sa kanyang pagbisita sa Santiago City Police Office, Santiago City, Isabela noong ika-28 ng Abril 2023.
Masayang sumalubong si Police Colonel Tirso Manoli, City Director kay TDICTM Police Major General Valeriano Templo De Leon, kasama ang kabiyak na si Mrs. Magnolia De Leon at mga anak na sina Zackary Val at Princey Val.
Si PMGen De Leon ay isa sa ipinagmamalaking miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989 na tubong San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan na magreretiro nitong darating na ika-7 ng Mayo.
Sa ilalim ng pamumuno ni Police Major General De Leon sa DICTM bilang Director at pinangunahan niya ang implementasyon ng PNP S.M.A.R.T. Policing (Secured, Mobile, AI-Driven, Real-Time Technology) tungo sa pagkamit ng digitally transformed organization.
Matagumpay ding nakumpleto ang proyekto ng office productivity para sa fiscal year 2022 na nagkakahalaga ng Php40,373,000 para sa ICT items na naipamahagi sa bawat PNP offices/units, kasama ang 433 Desktop Computers, 1,500 Office Applications, at 2,142 Anti-Virus Software.
Sa mensahe ng Director, hinikayat at hinamon niya ang kapulisan ng SCPO na tanggapin at yakapin ang teknolohiya dahil darating ang araw na ito ay magiging pangunahing directorate kung saan makakatulong ito sa solusyon ng cybercrimes at iba pang kriminalidad.
Source: Santiago City Police Office
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos