Palawan – Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Narra Municipal Police Station sa Brgy. Antipuluan, Narra, Palawan nito lamang ika-29 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Roel Tattao, Officer-In-Charge ng Narra Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jack”, residente ng Narra, Palawan.
Ayon kay PMaj Tattao, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Narra MPS at PDEA Palawan matapos mabilhan ng isang pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Narekober rin mula sa suspek ang pera na ginamit bilang buy-bust money, at tatlong pakete pa ng pinatuyong dahon ng marijuana mula sa kanyang wallet.
Nahaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus