Cagayan – Masayang dinaluhan ng mga Person With Disability (PWD) ang Community Outreach Program na isinagawa ng 1st Mobile Force Platoon ng 2nd Cagayan PMFC sa Plaza, Aparri, Cagayan noong ika-27 ng Abril 2023.
Naging posible ang proyekto sa pangunguna ni Police Captain Julius Viernes, Platoon Leader ng 2nd Cagayan PMFC kasama ang mga tauhan ng nasabing unit at LGUs na naisakatuparan ang pagsasagawa ng community outreach program.
Umabot naman sa 20 na PWDs ang naabutan ng tulong kasama ang pamamahagi ng mga grocery food packs sa mga benepisyaryo.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng tulong. Anila, malaking tulong ito at ipinagpasalamat nila ang ginawang pagbisita ng mga kapulisan upang maghatid ng mga sorpresa.
Samantala, nangako naman ang mga bumisitang pulis na muli silang babalik upang ipagpatuloy ang pagbibigay serbisyo at magbigay inspirasyon para sa mga Person With Disability.
Source: 2nd Cagayan PMFC
Panulat ni Police Staff Sergeant Jermae D Javier