Camp Crrame, Quezon City (December 26, 2021) – Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa Department of Health sa nalalapit na COVID-19 pediatric vaccination para sa lima (5) hanggang labing-isang (11) taong gulang na pangkat ngayong Enero 2022.
“Magiging mahalaga ito dahil ang pakikitungo natin sa mas batang bahagi ng populasyon, ngunit, ang PNP ay mayroon nang template,” saad ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos.
Binigyang-diin ni PGen Carlos na maraming vaccination drive ang nagpatunay sa kakayahan ng mga tauhan ng PNP sa pag-secure ng iba’t ibang lugar, kaya hindi na ito mangangailangan ng maraming pagsasaayos.
Tiniyak din ni PNP Chief ang pagkakaroon ng mga sinanay na vaccinators mula sa PNP Medical Reserve Force na nagsilbi sa mga naunang programa ng pagbabakuna ng gobyerno.
“Pinapaalalahanan namin ang mga magulang o tagapag-alaga na sasama sa mga bata na laging maging maingat at maging isang halimbawa sa pagsunod sa minimum public health standards,” yan ang apela ni PGen Carlos.
Tutulong din ang PNP na hindi mahadlangan ang paghahatid at transportasyon ng mga bakuna sa mga itinalagang lugar at dagdagan ang mga medikal na tauhan at posibleng karagdagang mga lugar upang matugunan ang mas maraming bata na tatanggap ng bakuna.
Ang PNP ay naghihintay na lamang ng mga specific instructions at koordinasyon sa plano na ipatutupad sa susunod na mass vaccinations.
The story first appeared on the Facebook page of the Philippine National Police.
######
Panulat ni: Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero
Godbless PNP