Cotabato City – Arestado ng pulisya ang isang wanted person sa kasong paglabag sa RA 9165 sa Almonte St. Poblacion 5, Cotabato City noong Abril 27, 2023.
Kinilala ni Police Major Regie Abellera, Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Bimbo”, residente ng Brgy. Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Naging matagumpay ang paghahain ng warrant sa pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat MPS at 2nd MP 1st Provincial Mobile Force Company, MAGPPO.
Ayon kay PMaj Abellera, si alyas “Bimbo” ay may Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165.
Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia