Romblon – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Banton Municipal Police Station sa Barangay Nasunogan, Banton, Romblon noong ika-27 ng Abril 2023.
Ayon Kay Police Captain John Anthony Pajarillo, Office-In-Charge ng Banton MPS, umabot sa 100 na punla ng mangrove ang naitanim ng mga kapulisan sa nasabing lugar .
Ang ganitong aktibidad ay paraan para maprotektahan ang kalikasan dahil sa patuloy na climate change at para labanan ang global warming.
Layunin din nito na mabigyan ng kamalayan ang mga residente kung ano ang importansya ng pagtatanim ng puno at paano maisalba ang ating likas na yaman.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus