Pangasinan – Arestado ng Urdaneta City PNP ang Top 6 City Most Wanted Person sa kasong Act of Lasciviousness nito lamang Huwebes, ika-27 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Lawrence Keith Calub, Officer-In-Charge ng Urdaneta City Police Station, ang suspek na si Rizalde Cabico Cabiles, 56, at residente sa Brgy. Camantiles, Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Calub, dakong 1:03 ng tanghali nang maaresto ang suspek sa nabanggit na lugar ng mga operatiba ng Urdaneta City PNP kasama ang Regional Intelligence Division PRO1, Provincial Intelligence Unit Pangasinan PPO.
Ayon pa kay PLtCol Calub, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Act of Lasciviousness in relation to RA 7610 na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang Urdaneta PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Urdaneta City, Municipal Police Station, Pangasinan
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal