Marikina City — Pinilahan ng mga residente ang isinagawang Medical Mission ng Reginal Mobile Force Battalion ng NCRPO na ginanap sa Barangay Tumana, Marikina City nito lamang Martes, Abril 25, 2023.
Ito ay pinangunahan ng 2nd Mobile Force Company sa pamamagitan ng gabay ni Police Colonel Jinarhan Calixto, Force Commander, RMFB at sa pamumuno naman ni PMGen Edgar Alan Okubo, Regional Director ng NCRPO.
Ayon kay PMGen Okubo, ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagmonitor ng kanilang blood pressure, kung saan kasabay nito ay ang pamamahagi ng face mask, vitamin C at pagtuturo sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat isa.
Naglalayon ito na makapagbigay ng dekalidad na serbisyong medikal sa mga komunidad na hindi masyadong naaabutan ng tulong nang sa gayo’y mapagtibay ang suporta at pagtitiwala ng mamamayan sa pulisya at gobyerno.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos