Lanao del Sur – Boluntaryong isinuko sa pulisya ng isang barangay kagawad ang kanyang loose firearm sa Brgy. Chinatown, Malabang, Lanao del Sur noong Abril 25, 2023.
Kinilala ni Poplice Captain Jerome Baliuag, Acting Chief of Police ng Malabang Municipal Police Station, ang nagsuko ng baril na si Asraf Taog, isang barangay kagawad ng Mable sa munisipalidad ng Malabang.
Ang isinukong baril ay isang Caliber .45 pistol Thompson ordinance corp. na may kasamang isang magazine.
Ang matagumpay na pagsuko ng loose firearm ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra loose firearm para mapanatili ang kaayusan sa lugar.
Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia