Negros Oriental – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group matapos itong sumuko sa mga tauhan ng RMFB 7 nito lamang Lunes, Abril 24, 2023.
Kusang sumuko ang dating miyembro ng CTG sa Sitio Nagbagang, Brgy. Poblacion, Sta. Catalina, Negros Oriental sa mga tauhan ng 705th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 7.
Ikinatuwa naman ni Force Commander Police Colonel Ronan Rodriguez Claravall ang pagsuko ng dating CTG member at hinimok din nito ang iba pang miyembro ng teroristang grupo na isuko ang kanilang sarili at mamuhay ng payapa at kasama ang kani-kanilang mga pamilya.