Lanao del Sur – Naaresto ng mga tauhan ng Tamparan Municipal Police Station ang dalawang wanted sa kasong paglabag sa PD 705 sa Brgy. Tatawayan South at Brgy. Pagayawan, Tamparan, Lanao del Sur noong Abril 25, 2023.
Kinilala ni PLt Mubarrak Dimakuta, Acting Chief of Police ng Tamparan MPS, ang suspek na sina Samsoden Dimnang, 47, residente ng Brgy. Tatayawan South at Mohaimen Hadjiabdullah, 43, residente ng Brgy. Pagayawan.
Ayon kay PLt Dimakuta, si Samsoden at Mohaimen ay may Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa PD 705 o “Revised Forestry Code of the Philippines” na may inirekomendang piyansa na Php20,000.
Patuloy ang Tamparan MPS sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan at handang hulihin ang mga taong lumalabag sa batas.
Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia