Cagayan de Oro City – Para maging handa sa mga posibleng mangyayari, nagsagawa ng Basic Police First Aid “Emergency Childbirth” Lecture ang Regional Medical and Dental Unit 10 nito lamang ika-24 ng Abril 2023 sa Kiosk Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Patricia Eser Training, Police Commissioned Officer sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Michille Arban, Chief ng Regional Medical and Dental Unit 10.
Hangad ng RMDU 10 na mabigyan ng sapat na kaalaman ang buong miyembro ng Police Regional Office 10 patungkol sa Basic Police First Aid “Emergency Childbirth” na tiyak na makatutulong sa ating mga kababayan.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay patunay lamang na ang ating pulisya ay may sapat na kaalaman at laging nakahanda kung may nangangailangan ng tulong na may mabilis at maayos na pagtugon sa mga mamamayan.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10