Benguet – Tinatayang nasa Php390,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Caang, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-24 ng Abril 2023.
Naging matagumpay ang marijuana eradication sa pangunguna ng mga operatiba ng Bakun Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakadiskubre ng 30 square meter na taniman ng tinatayang 150 piraso ng mga fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price na Php30,000 at tatlong kilogram ng dried marijuana stalks na may Standard Drug Price na Php360,000 at may kabuuang SDP na Php390,000.
Kaagad naman binunot at sinunog ng mga operatiba ang naturang marijuana habang wala naman nahuling marijuana cultivator sa nasabing operasyon.
Patuloy naman ang pagpapaigting ng Benguet PNP sa kampanya kontra ilegal na droga upang tuluyang mapuksa ang pagtatanim ng marijuana sa nasabing probinsya at mapanagot sa batas ang mga indibidwal na nasa likod nito.