Benguet – Arestado ang Top 2 Regional Level Most Wanted Person sa kasong Rape sa Asin, Nangalisan, Tuba, Benguet nito lamang ika-21 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang akusado na si alyas “Gregorio”, 34, laborer, at residente ng Asin, Nangalisan, Tuba, Benguet.
Ayon kay PCol Olsim, naging matagumpay ang pagkakaaresto sa akusado sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Tuba Municipal Police Station, Provincial Inteligence Unit-Benguet, PIDMU- Benguey at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Rape na walang rekomendang piyansa.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng Benguet PNP upang hulihin ang lahat ng wanted person sa kanilang nasasakupan.
Source: Tuba Municpal Police Station