Pampanga – Nagsagawa ng Drug Awareness Lecture ang 2nd Pampanga Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Mapalad, Arayat, Pampanga nito lamang Sabado, ika-22 ng Abril 2023.
Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel San Juan Felmar Aquino, Force Commander ng 2nd Pampanga Provincial Mobile Force Company.
Samantala, aktibo itong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at nagbigay kaalaman ang mga awtoridad patungkol sa masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa ating katawan.
Ang naturang pagtuturo ay naglalayong mailayo ang mga kabataan at maprotektahan ang kanilang kinabukasan laban sa ilegal na droga.
Patuloy ang Pampanga PNP sa pangangampanya kontra ilegal na droga at maghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Source: 2nd Pampanga Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3