Lapu-Lapu City – Arestado sa joint- manhunt operation ng kapulisan ang tinaguriang Top 4 Provincial Most Wanted Person ng Cebu sa kasong paglabag sa RA 9262 (Violence Against Women and their Children) sa Sitio Proper Brgy. Mactan, Lapu Lapu City noong ika-18 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dexter Calacar, Force Commander ng Cebu City Mobile Force Company, ang naaresto na si ‘Arvin’, 69, residente ng nasabing lugar.
Pasado alas-11 ng umaga nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Cebu Provincial Field Unit, Cebu CMFC, Police Station (PS) 2 ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), at Regional Intelligence Unit ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Sec. 5 (A) at (I) ng RA 9262.
Patuloy naman ang kapulisan ng naturang probinsya sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan ng mamamayan.