Zamboanga City – Arestado sa isinagawang operasyon ng Zamboanga City PNP ang isang pedicab driver sa kasong paglabag sa RA 10591 nito lamang Abril 17, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Felix Martinez Jr, Force Commander ng 1st Zamboanga City Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Jason”, 31, walang asawa, pedicab driver at residente ng Sitio Bugguk, Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga City.
Ayon kay PLtCol Martinez, bandang 5:06 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Paniran, Brgy. Zone 4, Zamboanga City, sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng 1st Zamboanga City Mobile Force Company at Zamboanga City Police Station 11.
Ayon pa kay PLtCol Martinez, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9