Pasay City – Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office ang Grand Kick-off Ceremony ng NCRPO Revitalized- Pulis Sa Barangay (R-PSB) na ginanap sa Liwasang Ulalim, CCP Complex, Pasay City nito lamang Linggo, Abril 16, 2023.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng NCRPO Run for a Cause, isang fund raising activity na pinangunahan ni Police Major General Edgar Alan Okubo, Regional Director ng NCRPO.
Dumalo din sa aktibidad si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, The Deputy Chief, PNP for Administration, kasama ang Regional Staff, Command Group, Station Commanders, Chief of Police, Bureau of Fire Protection, Coast Guard, Advocacy Support Groups, mga kapulisan ng NCRPO at iba pang runner enthusiasts.
Layunin nitong ipadama sa komunidad na ang Pambansang Pulisya ay handang tumulong at ihatid ang serbisyo lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAS).
Source: Mandaluyong CPS
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos