Valenzuela City — Tinatayang Php136,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operasyon ng mga tauhan ng Valenzuela Police Station nito lamang Martes, Abril 18, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, District Director ng Northern Police District, ang suspek sa pangalang Judy, lalaki, 39, na kasalukuyang nakatira sa Area D Purok 3, Barangay Sta. Cruz 3, Bulacan.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, naganap ang buy-bust operation dakong alas-2:00 ng hapon sa kahabaan ng F Pantaleon Street, Mac Arthur Highway Malanday, Valenzuela City, kung saan naaresto ang nasabing suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng nasabing istasyon.
Nakumpiska sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang tunay at pekeng Php500 na may kasamang pitong Php1,000, dalawang Php100, at isang Unit Oppo Cellphone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang pagpapatupad ng batas at pangangampanya kontra ilegal na droga ng kapulisan ng Northern Metro upang maging maunlad at mapayapa ang kanilang nasasakupang mga lungsod.
Source: NPD PNP
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos