Iloilo – Nasabat ang mga armas at droga sa limang naarestong suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Dingle Municipal Police Station sa Barangay Bongloy, Dingle, Iloilo nito lamang ika-14 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Captain Aileen Lacrite, Acting Chief of Police ng Dingle MPS, ang mga naarestong sina Donnie Benecio, 50, farmer; Peter Paul Benecio, 25, walang trabaho; Don Christian Benecio, 23, estudyante; Rico Benecio, 45, laborer, pawang mga residente ng Barangay Bongloy, Dingle, Iloilo, at si Rouie Pelaez, 44, laborer, resident naman ng Barangay Iwa Ilaud, Pototan, Iloilo.
Ayon kay PCpt Clarite, narekober sa limang suspek ang tinatayang 50 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php340,000, apat na unlicensed firearm, mga bala at ilang mga non-drug items.
Naisagawa ang matagumpay na operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga operatia ng Dingle MPS Station Drug Enforcement Team kasama ang IPPO-Provincial Drug Enforcement Unit katuwang ang IPPO PIU, 2nd IPMFC, RIU6, at Philippine Coast Guard Intelligence Group – Western Visayas.
Samantala, pinuri ng Iloilo PNP Top Cop na si Police Colonel Ronald Palomo ang mga operating units para sa isang matagumpay na operasyon.
Patuloy ang Iloilo PNP sa pagsusulong ng mga hakbangin upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad sa lalawigan para makamit ang isang ligtas at maayos na pamayanan.