Camp Crame, Quezon City (December 24, 2021) – Malugod na tinanggap ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang tulong na handog mula sa Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers sa isinagawang turnover of relief goods noong ika-24 ng Disyembre 2021 sa Kampo Crame, para sa mga biktima ng nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ang nasabing turnover ay pinangunahan ni PLtGen Joselito Vera Cruz na kumatawan sa hepe ng Pambansang Pulisya, kasama sina PLtGen Israel Ephraim Dickson, PMGen Rhodel Sermonia, PMGen Bartolome Bustamante, at PBGen Eric Noble.
Ang Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups ay kinatawan naman nina Undersecretary Martin Diño ng Barangay-based Advocacy Group at Undersecretary Edilberto Leonardo ng Kaligkasan, Ms. Gemma Sotto ng Global Peace Community Relations, Atty. Cherry Dela Cruz ng Women-based Advocacy Group, Ms Tara Bunch at Mr Imad Ammar ng Foreign National Keepers Network, Mr Manjinder “Jaimes” Kumar, President, Filipino-Indian Commerce and Welfare Society, Mr Jerome V Oliveros ng Joint Industrial Peace Concerns Office, Bishop Noel Pantoja ng Faith-based Advocacy Group, Mr Mitch Ortiz ng Force Multipliers Advocacy Group, at Ms Michelle Gumabao ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo.
Ang kanilang pinagkaloob na donasyon ay binubuo ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas, noodles, de-lata, inumin, de-boteng tubig, meryenda ng mga bata, mantika, at mga non-food tulad ng mga hygiene kit, face mask, manual water dispenser, mga lalagyan ng pagkain at marami pang iba.
Ito ay bunga ng pagsisikap ng koalisyon na mangalap ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette na umaabot na sa halos Php3 milyon.
Ipinaabot ni PLtGen Vera Cruz ang mensahe ng Hepe ng Pambansang Pulisya, PGen Dionardo Carlos, na lubos ang pasasalamat nito sa iba’t ibang advocacy support groups at force multipliers sa kanilang pakikiisa sa PNP para makapaghatid ng tulong sa ating kapwa Pilipino na lubos na nangangailangan at sa tiwala na kanilang pinagkaloob sa PNP.
x x x x x
Panulat ni: Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero