Palawan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company sa Sitio Timbuan, Brgy. Abaroan, Roxas, Palawan noong ika-13 ng Abril 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Mhardie Azares, Force Commander ng 2nd Palawan PMFC katuwang ang mga tauhan ng Roxas MPS, at LGU ng Brgy. Abaroan.
Ang aktibidad ay kaugnay sa ika-39 na anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing sitio.
Nakapagbigay ng libreng serbisyo tulad ng Libreng Tuli, Libreng Gupit, Feeding Program, Adal-kalsada at pagpapalaro sa mga bata.
Nagkaroon din ng friendship game sa pagitan ng kapulisan at mga manlalaro ng nasabing sitio.
Nilalayon ng aktibidad na makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga higit na nangangailangang pamilya lalo na sa mga malalayong lugar tulad ng nasabing sitio.
Ito ay upang magkaroon ng magandang ugnayan sa komunidad at maisulong ang pagtutulungan ng gobyerno, PNP at komunidad.
Lubos naman na nagpahayag ng taos pusong pasasalamat ang mga nakilahok sa programa sa tulong at serbisyo na kanilang tinanggap.
Ang gawaing ito ay alinsunod rin sa programa ni CPNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) at ng KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) upang palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng Pulis, Simbahan at Komunidad sa pananatili ng ligtas, maayos, mapayapa at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus