Nueva Vizcaya – Muling umarangkada ang mga kapulisan ng Aritao Police Station sa isinagawang Community Outreach Program na idinaos sa Brgy. Canabuan, Aritao, Nueva Vizcaya nitong ika-12 ng Abril 2023.
Sa pangangasiwa ni Police Captain Roger Visitacion, Chief of Police at sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Aritao, kasama ang MSWDO-Aritao ay matagumpay na naidaos ang aktibidad.
Aktibong nilahukan ng mga Force Multipliers, mga stakeholders at mga opisyales ng nasabing barangay ang aktibidad.
Nagsagawa din ang grupo ng Tree Planting kung saan nakapagtanim ng 50 na seedlings ng Mahogany at libreng gupit sa 60 na benepisyaryo, gayundin ang pamamahagi ng foodpacks sa mga nakilahok.
Nagbahagi rin ang mga kapulisan ng mga pagtuturo hinggil sa mga batas gaya nang batas kontra sa ipinagbabawal na gamot at kontra terorismo, gayundin ang mga maaaring maging kaso ng mga mahuhuling lalabag nito.
Layunin ng aktibidad na ito na maipadama ang pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pag-una sa kanilang kapakanan at seguridad upang mas mapaigting ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
Source: Aritao Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua