Camarines Sur – Tinatayang nasa Php122,400 halaga ng shabu ang nakumpiska sa apat na suspek sa isinagawang Entrapment Operation ng pinagsamang mga operatiba ng Camarines Sur PNP at PDEA RO5 sa Barangay Catalotoan, San Jose, Camarines Sur nito lamang Abril 11, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Julius Caesar Domingo, Jr, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, ang mga naarestong suspek na sina John Anthony T. Navea, 35, binata, residente ng Barangay Panday, Goa, Cam Sur; Marieth Ann Grace M. Fernandez, 22, residente ng Barangay San Juan Buenavista, Goa, Cam Sur; Giovanni Y. Butac, 47, residente ng Barangay Catalotoan, San Jose, Camarines Sur; at alyas “Tony”, 16 anyos, habang ang isang nagngangalang Perfecto C. Formalejo ll ay nakatakas mula sa operasyon.
Ayon kay PCol Domingo, bandang 6:05 ng hapon nang isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng PDEA RO5, San Jose MPS, Tigaon MPS at Camarines Sur 2nd PMFC.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 18 gramo at may tinatayang halaga na Php122,400.
Narekober din sa nasabing operasyon ang isang caliber .45 TM: Springfield Armory Geneseo 1L na may serial number na 139264, dalawang magazine, 13 na piraso ng bala para sa nasabing kalibre ng baril at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang ugnayan ng PNP Bicol at PDEA RO5 upang matigil at mahuli ang mga tulak ng ipinagbabawal na droga sa probinsya ng Camarines Sur at sa buong rehiyong Bikol.
Source: PNP Kasurog Bicol