Saturday, September 21, 2024

Paghahain ng Search Warrant nauwi sa engkwentro; 5 patay; matataas na kalibre ng baril, kumpiskado

Cotabato – Dead-on-Arrival ang limang tao matapos makipagbarilan sa mga awtoridad na may bitbit na Search Warrant sa Sitio Pedtad, Purok 5, Brgy. Dungos, Tulunan, Cotabato Province nito lamang Miyerkules, Abril 12, 2023.

Kinilala ni Police Major Junrel Amotan, Hepe ng Tulunan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Kumander Magnetic”, lider ng private armed group, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PMaj Amotan, bandang 5:00 ng umaga nang nilusob ng pinagsanib na pwersa ng Tulunan PNP; Provincial Intelligence Unit – Cotabato Police Provincial Office; 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company at PNP Special Action Force ang lokasyon ng mga suspek.

Nang namataan ng naturang grupo ang mga awtoridad ay agad na pinaputukan ng mga suspek dahilan para gumanti ang kapulisan na nagresulta sa pagkasawi ni alyas “Kumander Magnetic” at sa apat nitong kasamahan.

Narekober ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, mga matataas na kalibre ng baril, improvised explosive device (IED) at iba pang kagamitang pandigma.

Patuloy naman ang panawagan at paghihimok ng PNP sa mamamayan na makiisa sa kampanya laban sa terorismo at kriminalidad para sa katahimikan at kaligtasan ng lahat.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles