Eastern Samar (December 22, 2021) – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa Eastern Samar makaraang masakote ng mga operatiba ng Taft MPS, Regional Intelligence Unit 8 at ng Provincial Intelligence Unit ng Eastern Samar PPO noong Disyembre 22, 2021 sa Barangay Napo, Taft, Eastern Samar.
Noong ika-23 ng Nobyembre, 2021 ay nakatanggap ng mensahe ang FB Page ng PCADG Eastern Visayas mula sa isang ina na nanghihingi ng tulong na maicoordinate sa Taft Municipal Police Station na sakop ng Police Regional Office 8 ang kaso ng kanyang anak na noo’y mayroon nang nailabas na Warrant of Arrest dahil sa kawalan ng kakayahan ng nasabing ginang na bumiyahe mula sa Bacoor, Cavite patungong Taft, Eastern Samar upang personal na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan sa nasabing bayan.
Agad naman itong inaksyunan ng PCADG Eastern Visayas personnel at tinawagan ang mismong Chief of Police ng Taft MPS para maiparating ang hinihinging tulong ng nasabing ginang.
Dito ay napabilis ang paghahanap sa suspek ng mga kinauukulan sa Eastern Samar sa tulong na rin ng mga impormasyong ibinigay ng sariling kapatid ng suspek at kamag-anakan nito sa PCADG Eastern Visayas.
Agad na nagsagawa ng Joint Operation ang mga miyembro ng Taft MPS, Regional Intelligence Unit 8 at ng Provincial Intelligence Unit ng Eastern Samar PPO upang maaresto ang suspek na nagngangalang si Jeffrey Cebreros Tumanda, 25 taong gulang dahil sa kasong Rape (5 counts).
Sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Matias M. Garcia, Presiding Judge ng RTC 4th Judicial Region, Branch 19 sa Bacoor City, Cavite ay nasakote ang akusadong si Tumanda.
Nito lamang hapon ng Disyembre 23, 2021, muli ay nakatanggap ng mensahe ang PCADG Eastern Visayas personnel mula sa ina ng biktima na nagpapasalamat sa naging tugon ng kapulisan at matagumpay na napasakamay ng kapulisan ang suspek sa panggagahasa sa kanyang anak.
Ito’y isang patunay lamang na napakaepektibo ng Social Media lalong lalo na sa mga ganitong sitwasyon na nangangailangan ng agarang aksyon.
Maraming salamat po sa inyong tiwalang ibinigay sa PCADG Eastern Visayas!
#####
Panulat ni: Patrolwoman Darice Anne Regis
God bless PNP
Godbless PNP
Good job PNP
congrats PCADG and other police officers involved. GOD Bless PNP!