Sunday, September 22, 2024

Police Trainee ng RTC 2, nakilahok sa Opening Ceremony ng 2023 Little League Philippine Series

Isabela – Aktibong nakilahok ang mga Police Trainee ng Regional Training Center 2 sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rodrigo Soriano sa Opening Ceremony ng 2023 Little League Philippine Series na ginanap sa Ilagan Sports Complex, City of Ilagan, Isabela noong ika-9 ng Abril 2023.

Pinangunahan ng naturang lungsod ang aktibidad kung saan sila ang naging host sa pangunguna ni Hon Josemarie L Diaz katuwang si Mr Joaquin “Chito” Loyzaga, President, Philippine Amateur Baseball Association na dinaluhan ng mga Atleta na nagmula sa 13 rehiyon sa bansa.

Naaliw at humanga ang mga manonood sa ipinakitang galing ng mga Police Trainee mula sa PSBRC 2021 Class 05 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng social cultural dance kung saan makikita ang sabay-sabay na pag-indak ng mga ito. Dito naipamalas ang iba’t ibang klase ng paggalaw ayon sa tugtugin. Sinamahan pa ng isang performer na nagpakitang gilas sa pamamagitan ng pagkain ng apoy.

Lalo pang naaliw ang mga manonood sa ipinamalas na Silent Drill kung saan ipinakita ang iba’t ibang pagsagawa ng mga command sa paghawak ng sandata. Dito ipinamalas ang mga paggalaw na simbolo ng camaraderie at unity ng kapulisan. Sigaw at masigabong palakpakan ang narinig sa mga manonood na atleta na nagmula pa sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Samantala, nakilahok din sa parada ang Ilagan City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Lord Wilson Adorio. Ang mga flag naman ng bawat rehiyon ay may nakatalagang pulis na nagtaas sa mga ito.

Ang kapulisan ay hindi nagsasawa sa pagsuporta at pakiisa sa komunidad lalo sa ganitong mga aktibidad. Isa din itong paraan para sa patuloy na pagsulong sa programa ng Pambansang Pulisya na pangkapayapaan.

Source: RTC2

Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles