Northern Samar – Boluntaryong sumuko ang may kabuuang 19 na miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) sa Northern Samar PNP sa Brgy. Capacujan, Palapag, Northern Samar nito lamang Sabado, Abril 08, 2023.
Ang mga sumuko ay kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex Dang-aoen, Force Commander ng 2nd Northern Samar PMFC sa kanilang mga alyas na sina Romegio, 67; Conzing, 66; Patring, 64; Yuling/Lita, 66; Anita, 65; Viato, 69; Idong, 64; Gil, 50; German, 53 Ariel, 47; Willy, 55; Joel, 49; Roger, 42; Rolly, 58; Boy, 54; Efren, 56; Yolly, 55; Padak, 49; at Daye, 24.
Ang malaking bilang ng pagsuko ay resulta ng pursigidong panawagan at pagsisikap ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Charlie Coy ng 20th Infantry Batallion, PA at 122nd, 12SAB, SAF at sa suporta ng Palapag Municipal Police Station, Northern Samar Provincial Intelligence Unit at 803rd Regional Mobile Force Battalion 8.
Pinuri naman ni Police Colonel Alfredo J Tadefa, Northern Samar PPO Provincial Director, ang kahanga-hangang accomplishment ng negotiating units at ipinag-utos sa lahat ng unit sa ilalim ng kanyang command na ipagpatuloy ang pagsisikap para sa mapayapang pagsuko ng mga rebelde at tagasuporta ng NPA.
Sa kabilang banda, ang mga sumuko ay nasa ilalim ng kustodiya ng 2nd Northern Samar PMFC para sa safekeeping purposes, physical/medical examination, documentation, and tactical interview bago makakuha ng mga benepisyong galing sa gobyerno.
Kaugnay pa nito, patuloy naman ang panawagan ng AFP-PNP sa mga natitira pang tagasuporta at miyembro ng CTGs na sumuko na para magkaroon ng maayos na buhay sa piling ng kanilang pamilya.