Tinatayang Php411,296 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Police Regional Office (PRO) 12 katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno matapos ang kabi-kabilaang operasyon kontra ilegal na droga sa Rehiyong 12 mula noong Abril 2 hanggang Abril 8, 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12, tinatayang 60.22 gramo ng shabu at 15 gramo ng marijuana na may tinatayang Standard Drug Price na Php411,296 ang nasabat habang 35 indibidwal ang inaresto kung saan anim rito ay tinaguriang High Value Individuals (HVIs), 16 Street Level Individuals (SLIs) at ang iba pang 13 nasa Not Listed.
“I commend all the personnel for these successful operations, it is a clear manifestation that we keep our vow which is to continuously conduct proactive operations against all forms of illegal drugs and we will not stop until we achieve our quest of a drug-free SOCCSKSARGEN,” ani PBGen Macaraeg.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12