Quezon City — Umabot sa Php102,000 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong drug suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District nito lamang Biyernes, Abril 7, 2023.
Kinilala ni PBGen Nicolas Torre lll, District Director ng QCPD, ang mga suspek na sina Edgardo, Marilyn, at Jomarie Valdez, pawang mga residente ng Brgy. Baloingasa, Quezon City.
Ayon kay PBGen Torre lll, naaresto ang mga suspek sa nasabing operasyon bandang 1:00 ng madaling araw sa House No. 11 Ave. Galino 1, Avocado St., Brgy., Balingasa, Balintawak Quezon City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng QCPD at sa pakikipagtulungan ng PDEA.
Nakumpiska sa mga ito ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php102,000; brown coin purse, cellular phone, at buy-bust money.
Paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.
“Ang matagumpay na mga operasyon ng DDEU ay isang patunay na ang aming kampanya laban sa ilegal na droga ay magpapatuloy upang sugpuin ang suliraning ito,” ani PBGen Torre III.
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos