Saturday, November 16, 2024

Binatilyo na nagpanggap na pulis arestado ng Makati PNP

Makati City — Kalaboso ang isang binatilyo matapos magpanggap bilang pulis ng Makati City Police Station nito lamang Linggo, ika-9 ng Abril 2023.

Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD ang suspek sa pangalang Lenard.

Ayon kay PBGen Kraft, dakong 8:10 ng gabi nang maaresto si Atienza sa East St., Ayala Center, Brgy. San Lorenzo, Makati City ng kapulisan ng Makati City Police – Ayala Substation.

Ayon pa kay PBGen Kraft, isang security guard na kinilalang si Dean Mark Ayes y Berida, 43 taong gulang na nakaduty ang hiningian ng tulong ng isang taxi driver na hinihingian diumano ng pera ng isang lalaking pasahero na nagpakilalang pulis. Kaya pinuntahan ng dalawa ang suspek na naglalakad sa kalsada na nakasuot ng police athletic uniform at police field cap. Hiningi ni SG Ayes ang kanyang PNP ID ngunit walang maipakita ang suspek kaya agaran siyang isinuplong sa awtoridad.

Mahaharap si Atienza sa kasong paglabag sa Art. 177 o Usurpation of Authority at Art. 179 o Ilegal na Paggamit ng Uniporme at Insignia ng RPC.

Ang ganitong mga maling gawain ay hindi kukunsintihin ng PNP upang hindi makapangbiktima ng mga inosenteng indibiwal.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles