Aurora – Mahigpit na ipinatupad ng 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company ang Anti-Criminality Checkpoint sa Quirino-Aurora Boundary, Brgy. Calaocan, Dipaculao, Aurora nito lamang Biyernes, ika-8 ng Abril 2023.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company.
Mahigpit na ininspeksyon ng mga awtoridad ang mga lisensya, official receipt at certification of registration ng mga dumaraan na pambubliko at pribadong sasakyan sa nasabing lugar.
Layunin nito na mapanatili ang kaligtasan ng mga biyahero lalo na ngayong summer vacation at Semana Santa.
Patuloy ang Aurora PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga residente ng kanilang nasasakupan.
Source: 2nd Aurora PMFC
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3