Cebu – Tinatayang nasa Php7.48 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Cebu PNP sa isinagawang buy-bust operation sa isang tulak ng ilegal na droga sa Santa Lucia Rd, Brgy. Bulacao, Talisay City, Cebu nito lamang Sabado, Abril 8, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Rommel Ochave, Acting Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office, ang nadakip na si “Patrick”, 33, residente ng Sitio Mother of Perpetual Health Brgy. Hipodromo, Cebu City.
Ayon kay PCol Ochave, dakong 1:15 ng madaling araw ng ikasa ng mga operatiba ng Police Intelligence Unit at Police Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Mark Lester Eteroza katuwang ang mga tauhan ng Talisay City Police Station ang operasyon na humantong sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakasamsam ng tinatayang nasa 1 kilo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php7,480,000.
Nakuha rin sa suspek ang isang eco bag na ginamit bilang lagayan ng mga ilegal na droga, isang Samsung Cellular Phone, weighing scale at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.
Pinuri naman ni PCol Ochave, ang mga operatiba sa walang humpay at tigil na operasyon laban sa ilegal na droga upang masawata ang mga personalidad na nasa likod ng kalakalan ng ilegal na droga sa lalawigan ng Cebu.
Patrolman Aivan M Guisadio