Cebu City – Tiklo sa joint operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), City Mobile Force Company ng Cebu City Police Office (CCPO) at Regional Intelligence Unit 7 ang tinaguriang Top 2 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong kaugnay sa ilegal na droga sa Bliss, Brgy. Labangon, Cebu City noong Abril 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog ang naarestong suspek na si “Chaniel”, 44, residente ng nasabing barangay.
Dakong alas-11:25 ng umaga nang arestuhin ng mga awtoridad ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Sec. 7, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 – Employees and Visitors of a Den, Dive or Resort) na may rekomendadong piyansa na Php300,000.
Tiniyak ng buong hanay ng Cebu City PNP na kanila pa lalong pagbubutihin ang pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin at gampanin para sa matagumpay na pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan ng lungsod.