Malabon City — Tinatayang nasa Php129,200 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Malabon City Police Station nito lamang Biyernes, Abril 7, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Dante” (Pusher/Newly Identified), 19, residente ng Brgy. Longos, Malabon City; at alyas “Jofer” (Pusher/Newly Identified), 31, residente naman ng Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, nagsagawa ng nasabing operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon CPS, dakong 6:20 ng gabi sa kahabaan ng Hiwas Street, Brgy. Longos, Malabon City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Nakumpiska sa mga ito ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang tunay na Php500 na may kasamang apat na piraso ng Php1,000 na boodle money, at isang black leather na coin purse.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga nahuling suspek.
Ang matagumpay na operasyon ng Malabon PNP ay dahil sa tulong at suporta ng mga mamamayan sa lugar upang makamit ang isang mapayapa at maayos na komunidad.
source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos