Oriental Mindoro — Nakiisa ang Police Regional Office MIMAROPA sa pangunguna ni Police Brigadier General Joel Bargamento Doria, Regional Director ng PRO MIMAROPA sa Nationwide Simultaneous Kick-off ceremony ng “Bisikleta Iglesia Patrol 2023” bilang bahagi ng pinaigting na saklaw ng seguridad bilang pag-obserba ng Semana Santa na ginanap sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Huwebes, Abril 6, 2023.
Ayon kay PBGen Doria, ang nasabing inisyatibo ay pinagtibay mula sa proactive Policing Strategy ng Marinduque Police Provincial Office kung saan ang mga tauhan ng PNP ay nagsasagawa ng patrolling ng bisikleta sa iba’t ibang simbahan at mga lugar ng saklaw sa Pagdiriwang ng Semana Santa.
Ayon pa kay PBGen Doria, napakaganda ng stratehiyang ito dahil mas naipaparamdam natin ang ating presensya hindi lang bilang mga alagad ng batas kundi pati bilang mga mananampalataya.
Bahagi ng mga aktibidad sa ilalim ng nasabing inisyatibo ang pinaigting na police visibility sa lahat ng simbahan at lugar ng convergence sa pamamagitan ng pag-patrol ng bisikleta upang matiyak at maiwasan ang mga krimen sa pagdiriwang ng Semana Santa.
Kabilang sa nakilahok sa atibidad na ito ay ang DRDA at DRDO ng PRO MIMAROPA kasama ang mga miyembro ng PRO MIMAROPA Quad Staff, Calapan CPS.
Hinimok din ng nangungunang pulis ng MIMAROPA ang lahat ng mga yunit ng pulisya sa rehiyon na magsagawa ng mga proactive na hakbang sa pagpupulis upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko ngayong panahon ng Kuwaresma.
Layunin ng PNP na maging crime-free ang buong paggunita ng Semana Santa sa buong rehiyon ng MIMAROPA na maiparamdam at ipakita natin sa buong komunidad na ang buong pulis higit sa lahat dito sa MIMAROPA na tayo ay laging maaasahan, madaling lapitan at handang maglingkod sa anumang oras, panahon at pagkakataon, ani pa ni PBGen Doria.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus