Zamboanga City (December 22, 2021) – Nahuli ang isang (1) teroristang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa pamamagitan ng Search Warrant na isinagawa ng mga operatiba ng PNP-CIDG sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City noong ika-22 ng Disyembre 2021 bandang 7:20 ng hapon.
Kinilala ang nahuling teroristang miyembro ng Abu Sayyaf Group na si Tony Asmun y Burah alyas “Itum”, lalaki, 57 taong gulang, nakatira sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City.
Ito ay sa pinagsanib na operasyon na pinangunahan ng mga operatiba ng CIDG Zamboanga City Field Unit kasama ang CIDG Basilan PFU, CIDG RFU 9, NICA 9, 904th RMFB, TSC-RMFB, TFZ, MBLT 11 (Phil Marines), MIG9, PNP EOD-K9, 4MCIC, MCIBN, G2, 4MBD, S2 ZCPO, ZCPO PS 11, ZCPO PS6, at RID 9 RSOG.
Sa pagpapatupad ng Search Warrant, isang (1) improvised explosive devised (IED) ang natagpuang nakatago sa loob ng isang sako ng uling. Ayon sa Explosives Ordnance Disposal (EOD) specialist, ang nasabing IED ay binubuo ng isang (1) cartridge 90mm HEAF na may detonating cord bilang booster, siyam (9) volts na baterya (eveready battery), konektor ng snap ng baterya, pressure switch, improvise electric blasting cap at transparent na plastic.
Sa karagdagang imbestigasyon na isinagawa, lumalabas na ang IED ay nagmula sa isa (1) pang miyembro ng ASG na subject ng follow-up operation.
Sa pahayag ng Director ng CIDG, PMGen Albert Ignacius Ferro, “Ang CIDG ay muling pinagtitibay ang pangako nitong labanan at alisin ang mga teroristang grupo at marahas na ekstremista. Dahil malapit na ang dalawa sa pinakamahalagang holiday sa bansa, ang CIDG ay kaisa ng Punong PNP sa kanyang pagpupursige para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino”.
Dinala ang naarestong suspek sa CIDG RFU9 Office para sa dokumentasyon at tamang booking procedure habang nakabinbin ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.
######
Panulat ni: PMSg Leah Lyn Q Valero