Negros Oriental – Tulong-tulong na binigyang kulay ng mga tauhan ng Dumaguete City Police Station at Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) ang isinagawang turn-over ceremony ng isang waiting shed sa pamamagitan ng Lingap ng KASIMBAYANAN para sa Mamamayan Project na ginanap sa Barangay Balugo, Sibulan, Negros Oriental nito lamang Lunes, Abril 03, 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Alex G Recinto, Acting Provincial Director ng NOPPO kasama sina Pastor Jackmoore Kadusale, Life Coach, Sibulan Mayor Antonio “Pepe” Abierra na kinatawan ni Konsehal Atty. Santino Abierra at iba pang stakeholders ang Ribbon Cutting at Turnover ng Waiting Shed Project para sa mga mamamayan ng Barangay Balugo, Sibulan na kanilang magagamit at makakapagbigay ng kaginhawahan para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang waiting shed project ay naging posible sa pamamagitan ng Province-wide LINGAP BOXES na nalikom at ginamit para pondohan ang naturang proyekto, sa tulong na rin ng mga kontribusyon ng lahat ng PNP personnel ng Negros Oriental, Life Coaches, Stakes-holders, at Advocacy Support Groups.
Bukod sa turnover ceremony, libreng gupit, libreng pagbabakuna sa hayop, libreng check-up, pagbibigay ng bundle of joy, at food packs ang isinagawa ng mga tauhan ng Negros Oriental PNP para sa mga nakilahok sa naturang aktibidad.
Ang proyektong ito ay patunay lamang na ang dedikasyon at pangako ng PNP katuwang ang mga iba’t ibang Advocacy Support Group upang makapagbigay ng karagdagang tulong sa komunidad para sa pagsusulong ng isang maayos, ligtas at mapayapa na pamayanan.