Nueva Vizcaya – Nagsagawa ang mga kapulisan ng Aritao ng Anti-illegal Drug symposium na idinaos sa Paaralang Elementarya ng Comon, sa Bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya nito lamang ika-3 ng Abril 2023.
Aktibong nakilahok ang nasa 200 na mag-aaral na nasa ika-1 hanggang ika-6 na baytang sa nasabing aktibidad kasama ang kanilang mga guro sa pangunguna ni Ginang Rosemarie A Bambico, Punong guro ng nasabing paaralan.
Matagumpay na naidaos ang aktibidad na pinangasiwaan ni PCpl Karry Claire L Godoy, PCR NCO at sa pangangasiwa ni Police Captain Roger C Visitacion, Hepe ng Aritao PNP.
Layunin ng aktibidad na paalalahanan ang mga kabataan sa mga masasamang epekto ng mga ipinagbabawal na gamot sa katawan at upang mailayo sila sa paggamit nito para makamit ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay.
Ang hanay ng pambansang kapulisan ay hindi tumitigil sa mga pagsasagawa ng mga ganitong uri ng kampanya upang tuluyang mapuksa ang paggamit ng ilegal na droga sa ating bansa.
Source: Aritao Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua